Saturday, October 8, 2011

Salot

     Ipinanganak ako sa marangyang pamilya. Lahat ng gusto ko ay akin nakukuha. Isang sabi ko lang kay ama noong ako'y bata pa agad niya itong ibinibigay ng walang pagdududa. 


     Isang araw paggising ko ang lahat ng luho na kinalakihan ko ay nawala na lamang na para bang bula. Ang dating mansyon na tinitirhan ay naging barung-barong na lamang. Kasabay ng pagkawala ng amin luho ay ang pagkamatay ni ama at ang pagkalugi ng negosyo niya na nagiwan sa amin ni ina ng kawalan ng pag-asa. 


     Hayskul ako ng nangyari ang itinuturing kong bangungot ng buhay ko. Mabuti na lamang at madiskarte si ina na nagtrabaho sa salon bilang manikurista. Malapit si ina sa mga bakla, kahit noon kami pa ay marangya itinuturing niya silang kaibigang matapat ngunit palaban. Ang pagiging malapit ni ina sa mga bakla ang siya naging dahilan upang mapalapit din ako sa kanila.


     Pagkagaling sa eskuwelahan ako'y dumidiretso sa salon upang tumulong sa sa akin ina at kapag bakasyon ako'y nagtatrabaho upang makatulong sa mga gastusin. Ang pangaraw-araw na gawain namin ni ina ay bigla na lamang nagbago nang dumating sa buhay niya ang lalaking ipinalit niya sa akin ama. Sa simula siya'y mabait, at maasikaso sa amin. ngunit ng lumaon tila naginit ang kanyang dugo sa akin at kapag nakikita niya ako para bang nasisira ang araw niya. Lagi niya ako minamaltrato. Malambot daw ako, at ayaw niya sa mga malalambot. Walang nagawa ang akin ina na nagbigay sa akin ng dahilan upang lisanin ang tirahan na iyon at tumira na lamang sa mga kaibigang bakla ni ina. 


     Napalapit sa akin ang mga bakla. Unti-unti ako nagbabago sa kanila. Kung dati ako'y brusko at macho, ngayo'y marunong nang gumewang at gumigiling kung maglakad. Ang maikli kong buhok ay humahaba at ang pananamit ko ay hindi na tulad ng dati. Ako'y naglalakad sa eskinita ng makita ako ng syota ng akin ina, ako sana'y kanyang hahampasin ngunit sa kabutihang palad, napangunahan ko siya ng takbo. Sumisigaw siya habang ako'y tumatakbo at ang sabi niya, "Ayoko sa lahat ay iyong bakla, sabi ko na nga ba't isa ka rin sa kanila!! Mga SALOT KAYO!! SALOT!! Huwag ka ng magpapakita pa't baka mapatay kita!!!!" 


     Masakit bilang kauri sa pangatlong kasarian ang makarinig ng mga masasakit na salita. Ang hindi kami matanggap ng amin lipunang ginagalawan. Sa bawat paglabas at paglakad ko ako'y nahihiya. Napapaisip ako kung ano ang iniisip nila sa akin kapag ako'y kanilang nakikita o kaya naman ay nakakasalubong sa kalsada. Tama ba ang ginawa kong paglaladlad? Isa ba itong kasalanan? 


     Nang lumaon ay napawi ang pagdududa at panghihinayang aking nadarama. Sumikat si Vice Ganda na siyang nagsilbing inspirasyon namin mga bakla. Naging matapang ako. Hinarap ko ang lipunan at hindi ko ikinahiya ang pagbabago ko ng kasarian. Saludo ako kay Vice Ganda na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagbago kahit papaano ang tingin sa amin mga bakla. Unti-unti na kami natatanggap ng lipunan, hindi man lahat ngunit sapat na sa akin na malaman na ang mga katulad namin ay may mapapatunayan. Ipinagmamalaki ko kung ano at sino man ako ngayon. Hangga't wala akong ginagawang mali at immoral, alam ko kung saan ako lulugar. Hindi mali ang mapabilang sa ikatlong kasarian, ang mali ay ang pumatol sa kaparehas mong kasarian. Ang pagiging beki at tibo ang isa sa nagpapatunay na kami ay ang taong nagpapakatotoo at talagang tao. Hindi kami tao na nagpapanggap lamang na tao.
  
     Nais kong itayo ang bandera namin mga nasa ikatlong kasarian. Hindi lamang pagtaas ng bandera at pagbabago ng tingin sa amin ng lipunan ang aking hangad. Hangad ko rin ang pantay na pagtingin. Babae o lalaki, bakla man o tomboy, ayokong may naaapi at nais kong tanggalin ang diskriminasyon sa lipunang ito. 


     Salot man kami sa inyong paningin, kaming mga salot ay may maipagmamalaki rin. Hindi lang siguro ngayon, ngunit alam kong darating din ang araw na iyon. Ayoko ng puro pangako, dahil iyon ay laging napapako. Kikilos ako, papatunayan kong may ibubuga rin ako. 

Pangarap



"IGALANG mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ikaw ay mabuhay ng matagal sa ibabaw ng lupa na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos." -Exodo 20:3-17
    
      Nakagawian ko nang sundin ang mga payo at utos ng akin magulang at ng mga taong mas nakatatanda sa akin. Marahil ay pinalaki ako ng mga magulang ko ng may takot sa kanila, may paggalang sa kapwa at higit sa lahat ay may takot at paniniwala sa Diyos. Wala sa bokabularyo ko ang salitang "hindi at ayaw" ngunit nagbago ang lahat nang unti-unti akong nagkakaisip. 


          Pangarap kong maging isang sikat na newscaster balang araw. Idolo ko si Jessica Soho na siyang nagtulak at nagbigay inspirasyon sa akin. Kapag si Jessica Soho na ang nagsasalita sa telebisyon, ako'y napapanganga sa kahanga-hanga niyang talento pagdating sa paghahatid ng mga balita. Ngunit ang pangarap sa akin ng aking ina ay maging isang flight attendant hindi niya ito nakuha dahil sa kanyang taas na 4'11 lamang kaya nais niya na ako ang tumupad sa pangarap niyang napako. 


     Tulad nga nang sinabi ko wala sa bokabularyo ko ang tumanggi, kaya ito'y akin sinunod. Dahil sa hindi kaya ng akin magulang ang matrikula sa kolehiyo, ako'y nagtungo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) upang kumuha ng pagsusulit. Sa awa ng Diyos, ako naman ay nakapasa. Ang first choice na akin nilagay ay Tourism tulad nga ng payo ng akin ina. Pangalawa ay, Hotel and Restaurant Management (HRM) at ang pangatlo ay, Psychology. Ang lahat ng akin piniling kurso ay nakabatay sa kagustuhan ng akin ina. Iyan daw ay para sa akin ikabubuti at para sa ikagaganda ng akin kinabukasan. Wala man lang sa pagpipilian ang Broadcast Communication o kaya naman ay BS Journalism. Paano na ang pangarap ko maging isang Broadcaster? 


     Sariwa pa sa akin ala-ala ang mga sinabi niya nang hindi niya ako payagan kunin ang gusto kong kurso, "Walang kasiguraduhan ang kursong Broadcast Communication. Hindi lahat ng kumukuha ng kursong iyon ay nagiging broadcaster. Maraming namamatay sa midya." Sinusubukan ko na lamang limutin ang pangarap ko, ngunit pangarap ko talaga ang maging Broadcaster kaya hindi ganon kadali ang isawalang bahala na lamang ang pangarap na iyon.


      Mahaba-haba ang proseso ng enrollment sa PUP. Sabi nga ng mga reklamador at reklamadora na naririnig ko habang ako ay nasa pila, hindi daw dapat Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang pangalan ng pamantasan na ito, kung hindi Pila Ulit Pila at para naman sa mga taong mahilig mamilosopo ang ibig sabihin daw ng PUP ay Philippines University of the Philippines. Ako'y natawa, in fairness mabenta ang banat nila. Habang inaaliw ko ang sarili ko sa pila, doon ko lamang napagtanto na unit-unti na pa lang nagkakaubusan ng slot sa mga kurso. Unang naubos sa mga kursong napili ko ay ang Psychology, sumunod ang HRM. Tourism na lamang ngunit sa kasamaang palad, pati ang kursong nais ng ina ko makuha ko ay nawalan na rin ng slot. Nakakalugmok dahil sinabayan pa ng kamalasan ang pagod at gutom na nadarama ko. Unti na lamang ang mga kursong natira at kung bibilangin hindi na ito lalagpas pa sa akin daliri. AB History, Theater Arts, AB Philosophy, Sociology, AB Filipino, Education at kung ano-ano pang kursong hindi naman ganoon kapopular at bago lamang sa akin pandinig. May mga estudyanteng na lumapit sa akin upang i-promote ang kani-kanilang kurso at ang tanging kurso na umagaw sa akin atensyon ay ang AB Filipino-logy. Marahil ay may konekta ang AB Filipino sa MassCommunication kaya ito ang napili ko. 


     Tulad ng akin inaasahan, hindi sinangayunan ng akin ina ang kursong nakuha ko. Mababa raw ang sahod ng mga guro. Nais niya na magshift ako. Nagsimula na ang unang semestre ng taon. Hindi ko pa man ganon kagusto ang akin kurso ay gumagawa naman ako ng paraan upang ito'y magustuhan ko. Unti-unti itong napapalapit sa puso ko at napapamahal na ako sa akin mga kamag-aral at mga dalubguro.


     Desidido ang akin ina na lumipat ako ng kurso ngunit ika nga, "NO SHIFTING POLICY" ang polisiya sa kolehiyo namin kaya kung hindi man ako makakalipat ay umalis na lang daw ako sa PUP at sa ibang pamantasan na lamang mag-aral. Ilan beses niya akong kinukulit. Ilan beses niyang inuulit hanggang sa ako ay mapuno na noon may sinabi ang akin ina na ikasasama ng loob ko tungkol sa akin kurso, "Iha, alam kong hindi mo gusto ang magturo. AB Filipino? Bakit iyan pa ang pinili mo? Filipino iha? Hindi ka yayaman diyan. Ano pa bang pagaaralan mo riyan, tama na marunong kang magsalita nito, hindi mo naman kailangan pag-aralan ang Filipino eh" Nakakarindi sa aking pandinig. Para bang ako'y minura at ang kanyang mga iniwang kataga ay hindi ko matanggap. Hindi ko napigilan at ako'y sumagot, "Ina, marahil sa umpisa hindi ko ito gusto, ngunit ng lumaon ito'y nagugustuhan ko. Marami akong natututunan. Hindi lamang sa wikang Filipino nakasentro ang kursong ito. Pagkakaibigan at para kaming pamilya kung magturingan. Wala akong pakialam kung hindi man ako yayaman sa kursong ito, nasa diskarte ang pagyaman at hindi sa kurso. Iniisip mo lagi ang para sa ikabubuti ko, ngunit paano kung ang ikabubuti kong iyon ay hindi ko naman pala gusto? Hindi ko gusto ang Tourism, ang HRM o kung ano pang kurso na sa tingin mo ay mabuti para sa akin. Hindi! Sa huling pagkakataon, hindi ako lilipat ng kurso, at mas lalong hindi ako aalis ng PUP!!" 


        Sa kauna-unahang pagkakataon nailabas ko ang tunay na nadarama ko. Nabastos ko ang aking ina, ngunit kung hindi ko iyon gagawin hindi ko makukuha ang gusto kong kurso at ang kursong sa tingin ko ay nakabubuti sa akin. Mali ang ginawa kong pagsuway at ako'y humihingi ng kapatawaran. Alam kong hangad lamang nila ang magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak ngunit kung minsan ang akala nilang magandang kinabukasan ay nagbubunga ng masamang epekto sa kanilang mga anak.


     Hindi ko man nakuha ang kursong pinapangarap ko, na punta naman ako sa kursong hindi ko inaasahang mapapalapit sa puso ko. Mahal ko ang kurso ko at ipinagmamalaki ko na kabilang ako sa kursong ito. Patawarin mo ko akin ina, ngunit darating din ang araw na ako'y iyong maiintindihan. 

Wednesday, October 5, 2011

Tunay na Pagmamahal

     Ang pagmamahal ay isang simpleng salita na maraming kahulugan. Mahirap man ipaliwanag ang kahulugan, ipapaliwanag ko ito sa simpleng paraan. 


     Naitanong ko sa aking kapatid kung ano ang pagpapakahulugan niya sa salitang pagmamahal at kanya itong naisagot, "Ang pagmamahal ay isang salita na nagdudulot ng kaligayahan ngunit nagpapaiyak at nagpapahirap din sa kalooban." Para sa tineydyer na kagaya ng kapatid ko ganito ang pagpapakahulugan niya sa pagmamahal. Marahil para sa kanya at para na rin sa iba kaakibat ng pagmamahal ay ang pagpapasakit sa kalooban. Ika nga nila ang pagmamahal sa kapwa ay hindi puro saya ang idinudulot. 

     Ang pagluwal ng ina sa anak ay matuturing na pagmamahal. Ang isang ina itinaya ang kanyang buhay para sa kanyang anak. Ang pagaaruga ng mga magulang, ang pagpapalaki nila ng wasto sa kanilang anak ay pagmamahal. Sila na laging nandiyan para sa anak ay maitututing na pagmamahal.

     Ang kaibigan na laging nariyan. Hindi lamang sa sarap at sa kaligayahan sila'y laging nakakasama, sa hirap man ay present din. Sa kahit anu man pagsubok na dumating, basta't sila'y kailangan kanila kang tutulungan. Ang simpleng pagdamay at pagpapasaya nila ay sapat na. Kung minsan pa nga'y ginagabi ng uwi masamahan lamang ang kaibigan. Ang presensya nila ay nagdudulot ng kaligayahan. Iyan ang tunay na kaibigan. 

     Ang pagmamahal sa taong nais makasama panghabambuhay ay isa sa pangkaraniwang pagpapakahulugan o persepsyon sa pagmamahal. Kung ika'y lalaki at ayon sa kultura ang sinseridad ng lalaki ay makikita kung papaano ito manligaw sa mga kababaihan. At ang simpleng OO lamang ng dalaga sa binata ay nagpapakita ng pagmamahal ng babae sa lalake. 

     Ang tunay na pagpapakahulugan ng pagmamahal ay nakabase sa karanasan. Kung mahilig ka manood ng telenobela na isa sa bahagi ng kwento ay iyong pagsasakripisyo ng buhay ng isang tao sa kanyang minamahal ay masasabing tunay na pagmamahal, ika nga nila, Love is sacrifice. Makita mo lang na masaya ang taong mahal mo, oks na iyon para sa iyo. Ang pagpapakahuluigan ng pagmamahal ay nakadepende sa tao at sa karanasan niya na may kaugnay sa salitang ito. 

Thursday, September 29, 2011

Ang Babae Noon sa Modernong Panahon

     Paano nga ba kinikilala ang babae sa lipunan? Ano nga ba ang mga tungkulin at gampanin ng babae sa lipunang atin ginagalawan?


     Noong primitibong panahon animo si Maria Clara ang mga kababaihan. Kasuotan ay balot na balot na para bang suman. Sa sobrang konserbatibo, talampakan, braso at mukha na lamang ang makikita mo. Sila'y hindi makabasag pinggan at masunurin sa magulang. Gawaing pambahay at pagtulong sa magulang ang inaatupag. Hindi nakikita na patambay tambay sa labas ng tahanan upang magliwaliw. Ang tanging pinaggugugulan ng oras ay sa tahanan kasama ang pamilya at kung hindi man sa tahanan ay sa simbahan at nagdarasal ng Aba Ginoong Maria. 


     Modernong panahon ay suriin din. Pananamit ay ibang iba. Kapos na ba ang henerasyon ngayon sa tela? Noon panahon pa ng atin lolo't lola, tela ng kanilang baro't saya ay sobra-sobra, ngayon paiklian sa damit ang labanan ng madla. Kung makasuot ng mini-skirt ay wagas akala mo ay wala ng bukas. Sleeveless kung sleeveless at shorts kung shorts. Dibdib ay lumuluwa na, kuyukot ay nakikita na, mapapasabi na lamang ng "Miss nakikitaan ka na, gusto mo ba ng tela?" Malimit na lamang makakakita ng binibini na ginugugol ang oras sa kanilang tahanan, karamihan ay nasa tamabayan winawaldas ang oras kasama ang kanilang mga kaibigan. Ang iba ay nagsisinungaling, magpapaalam sa magulang na, "Nay, may praktis po kami" o kaya naman ay "Nay, may group project po kami" Ang magulang naman ay maniniwala, ang akala niya'y pampaaralang gawain, sa lakwatsa pala gugugulin.


     Panliligaw noon ay mahaba-haba ang proseso. Bukod sa susuyuin si Binibini, kailangan din ligawan ni Ginoo si Mommy at Daddy. Simpleng panliligaw ay hindi kaagad pumapasa, kailangang mapatunayan muna ni Ginoo na seryoso siya. Aakyat ng ligaw si Ginoo, maghaharana't bibigyan pa ng rosas si Binibini, ngunit hindi ganoon kadali, lulusot muna sa butas ng karayom bago makamtan ang maatamis na "OO' na siyang minimithi ng ginoo. Pakipot at isinasaalang-alang ang magulang bago pumasok sa isang relasyon ang dalaga noon. Minsa'y magulang pa ang siyang pumipili sa mapapangasawa ng kanilang anak na binibini.


     Uso pa ba ang ligawan sa panahon ngayon? Marahil sa iba ay oo ngunit malimit na lamang itong ginagawa. Ang teknolohiya na nagpapadali, nagpapagaan at nagpapabilis ng gawain pati sa panliligaw ay napapadali na rin. Ang iba ay dinadaan na lamang sa facebook, text at online chat ang pakikipagrelasyon. Hindi na uso ang salitang pakipot, sasabihan lang ng lalaki na gusto niya si babae, bukas o makalawa mababalitaan na magkasintahan na pala. 


     Kung dati-rati'y si Mister lang ang nagbabanat ng buto sa pamilya, ngayon ay hindi na. Ayaw pahuli ni Misis at madalanang na lamang ang mga ginang na pumapayag na sa tirahan manatili at magalaga ng anak. Katwiran ni Misis, "Para saan pa't ako'y nakapagtapos kung hindi ko rin naman mapapakinabangan ang propesyon na natapos ko?" Ika nga nila,  kung kaya ni Mister kaya rin ni Misis. 


     Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ang pagusad ng pag-uugali at kultura ng mga mamamayan partikular na ang mga kababaihan hindi man lahat ng pagusad ay nasa positibo, ngunti ika nga nila hindi magkakaroon ng negatibo kung walang positibo. Patunay lamang iyan na ang mga kababaihan ay unti-unting pumapantay sa kalalakihan. 

Wednesday, September 28, 2011

Retokada

Halos lahat siya'y kinaiinggitan
Ng mga babaing nagdaraan
Sa garaheng kanyang tinatambayan
Siya'y lumalabas upang magmasid
Siya'y nagpapacute upang mapansin

Ano nga ba ang mayroon sa kanya?
Tila perpekto ang panlabas niyang postura
Siya'y maganda't may dibdib
Unat ang buhok at malaman ang puwetan
Higit sa lahat kaakit-akit ang hubog ng kanyang pangangatwan

Maganda na kung sa maganda
Ngunit pagnagsalita siya'y nakakadismaya
Doon lang mapagtatanto na siya pala'y bakla
Nagpretoke't nagdamit babae
Miss at ate ang tawag sa kanya ng nakararami

Kasarian

Ano nga ba ang kasarian? Ito ba iyon tanong sa mga dokyumentasyon tulad ng bio-data na kapag M o male ay lalake at F o Female naman ay babae? Ngunit paano naman ang mga taong hindi tanggap ang kanilang kasarian at kanila itong pinalitan, ang ilalagay ba nila ay unknown o kaya naman ay lalagtawan na lamang ang tanong?


Sa panahon noon, pangatlong kasarian ay hindi kinikilala at itinatakwil ng madla. Hindi lang takwil ang kaparusahan, maaaring hatulan pa ng kamatayan at bansagang "Salot ng Lipunan". Kakaunti lamang ang lumalantad at umaamin na kasarian ay hindi tanggap marahil takot sa lipunang ginagalawan. 


Sa kasalukuyang panahon, mas maraming lalaking may pusong babae at babaing may pusong lalaking lumalantad, marahil tanggap at patuloy na tinatanggap ng nakararami ang ikatlong kasarian. Ang pagpapakasal sa kaparehong kasarian ay legal sa ilan bansa at estado ng Amerika bagamat sa Pilipinas bawal ang pagpapakasal ng kapwa lalake sa lalake at babae sa babae, marami naman nagsasama o naglilive-in na ang kasarian ay magkaparehas. 


Pisikal na anyo niya'y lalake ngunit itinuturing niya ang sarili na babae samantalang pisikal na anyo niya'y babae ngunit itinuturing ang sarili na lalake. Ito'y tinatawag na transekswal. Hindi man nila tanggap ang kanilang kasarian, pisikal nilang anyo noong sila ay ipinanganak ang nasusunod pagdating sa mga dokyumentasyong nangangailangan ng sagot sa tanong na kasarian. 


Kasarian nila'y hindi pa man lubos na tanggap sa lipunang ginagalawan, sila naman ay nagbibigay karangalan sa bayan. Salot man ang tingin noon, sila ay ipinagmamalaki na ngayon. 

Sunday, September 11, 2011

Binabae


Lalaki nga ba o babae?
Katawan niya'y malaki
Matikas kung manamit
Hindi mo aakalaing sweet
Lalo na sa mga taong may lawit

Bakit nga ba nagkaganon?
Kasaria'y bigla nagbago
Nag-evolve ng todo-todo
Kung dati rati'y tinatago
Ngayo'y lantaran kung magbago

Nahihiya sa una
Bibigay din sa makalawa
Ang pagbabago'y ginusto niya
Ngunit kasaria'y tanggap nga ba?
Lalo na sa lipunang ginagalawan niya

Dapat ba itong ikahiya o ipagmalaki?
Ang lipunan ngayon ay ibang iba sa dati
Di pa man kilala, uulanan ka na ng husga
Magkamali ka't ito'y pupunahin ng iba
Gumawa ka ng tama't ito'y babaliwalain lang nila

Pagbabago sa kasaria'y pagpapakatotoo sa sarili
Kaya't sila'y di masisisi 
Tao lang din sila't nagkakamali
Batuhan mo man ng husga't panlalait
Ika'y matatahimik na lamang at baka manliit

Wednesday, September 7, 2011

RH BILL

RH Bill or Reproductive Health Bill “R.A. 5043” is a bill aiming to guarantee universal access methods and information on birth control and maternal care. The bill has become the center of continuous debate. In order to control the population growth of the Philippines the Congress proposed a bill regarding to this issue.
                        Well obviously to be practically and open-minded citizen of this country, I am with RH Bill. Our population increases as time goes by I think it is one of the better way of controlling our population. I don’t know why other people oppose RH Bill, they said they are PRO Life, well almost all Filipino citizen are PRO-life, let me compare and analyze this issue.
An anti-RH Bill said that Abortion is illegal and punishable by law but when abortion complication happens it will be treated in a good manner, is a contradictory statement… RH Bill may be a solution to reduce or at most eliminate the risk of abortion that is when all the contraceptives are working perfectly.
According SEC 4s: Reproductive health is defined as the complete physical, mental and social well-being and not merely the absence of disease or infirmity, in all matters relating to the reproductive system and to its functions and processes.
According SEC 26b: Public officials are prohibited from forcing any person to use such services.
As a PRO-RH Bill: As stated above, RH Bill does NOT force people to use contraception. It is an individual’s decision whether to use it or not. This bill should be pass and use in a sanctioned way and not to abort child.
An anti-RH Bill said that the bill consists of immoral principles.
SEC 3a. Freedom of choice must be fully guaranteed by the State.
SEC 3b. Protection of reproductive health and rights of everyone.
SEC 3d: People are among the principal assets of the country.
SEC 3e: People have a right to health, especially the poor and marginalized.
SEC 3f: The State shall promote without bias all safe and effective natural and modern methods of family planning
SEC 3g1: Enable everyone the number and spacing of children they desire
SEC 3g2: achieve equitable allocation of resources
SEC 3g3: ensure partnership between the govt, LGUs, the private sector
SEC 3g4: conduct studies to analyze demographic trends towards sustainable human development
SEC 3g5: conduct scientific studies of safe reproductive health care medicines and methods.
SEC 3h: reproductive health is a joint responsibility of the National Government and Local Government Units;
SEC 3i: Active participation by non-government, women’s, people’s, civil society organizations and communities is crucial
SEC 3j: Abortion is illegal and punishable by law, and women needing care for post-abortion complications shall be treated
SEC 3k: No demographic or population will be exclusively targeted
SEC 3l: Gender equality and women empowerment
SEC 3m: Limited resources of the country cannot be suffered to be spread so thinly to service a burgeoning multitude
SEC 3n: Development is a multi-faceted process that calls for the coordination and integration of policies, plans, programs and projects
SEC 3o: Reproductive health is needed by people throughout their life cycle.
As a PRO-RH Bill: Above are the principles in this bill, I haven’t seen any immoral actions there. It is clear this bill is aiming to decrease our population growth. I know some people who oppose this bill will think and questioned that if contraceptives would be freely given out and taught how to use... Would you want your young daughter doing sex in her young age? Well obviously, there are no parents that would like their daughter and son doing sex in their young age, who would want it anyway? It’s the parent/guardian’s responsibility and duty to preach their children, to teach them the difference between right and wrong, legal and illegal.
                        
         Again, as a concern, practical and realistic citizen, I am PRO to this bill. I think it will help to decrease our population. Anti-RH Bill is a PRO LIFE. Being Pro-RH Bill, I’m after to PRO-QUALITY LIFE. Just think about the qualities and life we have if this bill was passed. Be PRACTICAL. 

Wednesday, July 20, 2011

Anak

"There are only two types of honest people in this world, small children and drunk people.Anonymous

Ano ba ang nararapat kong maramdaman sa tuwing nakukuha ko ang mga bagay na nais ko? Nararapat ba ako maging masaya, magtatatalon sa tuwa at ngumiti nang abot hanggang tainga dahil lahat ng atensyon, luho't pagmamahal ng magulang ay sa akin ipinadarama? O nararapat ba ako madismaya't malungkot dahil hindi nagiging patas ang pagtingin ng aming mga magulang sa amin tatlong magkakapatid? Idagdag pa ang hindi mawaring pakikitungo sa akin ni Kristine, ang kapatid ko na sumunod sa akin. Maglalaslas ba ako sa pagkadismaya o magtatatalon sa tuwa?


Minsan ay sumagi sa akin isipan kung bakit ganoon ang pakikitungo sa akin ni Kristine. May kasabihan na kung sinong bunso siya ang paborito, ngunit ako ang panganay at sa tingin ko ako ang paborito sa aming tatlong babaeng magkakapatid, siguro iyan ang dahilan kung bakit hindi maayos ang pakikitungo at samahan namin ni Kristine kung ikukumpara sa samahan namin ni Kakay, ang bunso sa amin tatlo. 


Iyan ang mga pahayag na naglalaro sa aking isipan habang ako'y nakadungaw sa jeep na akin sinasakyan pauwi galing sa akin eskuwelahan. Ang makapal na usok na galing sa tambutso ng iba't ibang klase ng sasakyan ang nagingibabaw sa daanan na tinatahak ng jeep. Halos lahat ng pasaherong nakasakay ay tinatakpan ng panyo ang kanilang ilong, ang iba naman na hindi ganoon kaselan sa usok ay hindi na lamang dumudungaw sa bintana ng jeep upang makaiwas sa buga ng tambutso ng ibang sasakyan. Samantalang ako, nakadungaw pa din at hindi alintana ang polusyong nalalanghap sa daanan. Bago pa man lumagpas ang jeep sa istasyon ng Katipunan ay agad ko nang hinatak ang tali ng jeep, hindi pa ko nakuntento at sumigaw pa ng "Para ho, sa tabi lang"


Mula roon ay nilakad ko na lang papunta sa amin. Dumaan sa may Saint Bridget at lumiko sa may Batino. Mga tatlong bahay pa bago marating ang amin, naririnig ko na ang kasiyahan na nagmumula sa amin tahanan, oo nga pala may mga bisitang darating ngayon si Papa, kailangan ihanda ko na ang sarili ko sa pagbubuhat niya sa aking silya habang ipakikilala niya ako sa kanyang mga ka-opisina. 


Nang makarating ako sa loob ng aming gate sinalubong ako ng ngiti ng mga ka-opisina ni Papa. Si Papa ay kumakanta sa videoke't hindi napansin ang aking pagdating. 


"Siya ba iyon anak mo na nagaaral sa UP Diliman at iskolar? Siya ba iyon na kwento mo sa amin noon isang araw Sir?" ang unang sambit ng isa sa mga empleyado sa akin.


Hindi pinansin ni Papa ang tanong ng empleyado, waring nagpapanggap na walang narinig na tanong sa halip na sagutin ay biglang sumigaw si Papa, "Apat na SanMig Light pa nga diyan!"


"Oo Albert siya iyon. Si Niña ang anak kong panganay na nakikwento namin sa iyo." ang sagot na lang ni Mama sa tanong na hindi na sagot ni Papa sa empleyadong nagngangalang Albert.
"Masuwerte kayo sa anak niyo, iyon anak ko hindi pumasang U.P. eh. Ano nga pa lang kursong kinukuha mo hija? Second year ka na hindi ba?" ang tanong ng empleyadong si Albert.
"Opo, second year na ho ako. BS Journalism po ang kinuha kong kurso." ang nakangiting sagot ko sa tanong ni Albert.
"Bakit nama......" hindi na natapos ni Albert ang tanong niya sa akin dahil bigla siya tinawag ni Papa.


Naglakad na ako papasok sa aming tahanan. Nasa sala ako, nilapag ko ang aking gamit pangeskuwela sa mesa sa aming salas at napabulong sa sarili na "Parang may mali" hindi ko mawari kung ano ang hindi wasto na nangyayarai sa aking paligid ngayon, ngunit isa lang ang masisiguro ko, ang pakikitungo sa akin ni Papa ay ibang iba kung ikukumpara sa natural niyang pakikitungo sa akin. Kung dati rati'y ipinapakilala niya ako sa kanyang mga kasamahan at pinagmamalaki na may halong pagyayabang ang ibinubungad niya sa tuwing nakikita ako ng mga kasamahan niya sa trabaho, ngayon ay para bagang hindi niya ako na pansin. Para akong hangin na dumaan sa kanyang harapan.


"Ano puro papuri na naman ba ang natanggap mo? Ipinagmalaki ka na naman ba ni Papa? Ikaw na, the BEST ka sa paningin niya eh." ang narinig kong pahayag sa akin ni Kristine. Hindi man niya tuwirang sinabi iyon sa harap ko ay rinig na rinig naman ng dalawang tainga ko ang mapait na pahayag na iyon. Hindi ko na lamang pinansin si Kristine, sa araw-araw ba naman nangyayari sa buhay ko iyan ang lagi niyang sambit sa akin tignan ko lang kung hindi ka pa masanay. 


"Ate Nins!! Nandiyan ka na pala. Halika dito at turuan mo ko sa aking takda sa Math." ang pakiusap sa akin ni Kakay.
"Sa Math ba kamo? Ngunit hindi ako ganoon kagaling sa math."
"Anong hindi? Geometry naman ito eh. Ayaw ko talaga ng Geometry eh. Sige na Ate, tulungan mo ko." ang nagpupumilit na pahayag ni Kakay.
"Dahil makulit ka, pagbibigyan na kita.Doon tayo sa kwarto mo."


Maliit ang kwarto ni Kakay, para sa isang tao lamang ang kwarto gayon din ang kama niyang sofa bed ang itsura. Naupo ako't hinablot ang kwaderno at libro ni Kakay sa Geometry. 


"Anong pahina ba ang takda mo?" 
"Page 83 Ate. Iyon tungkol sa angles iyon sine and cosine. Ang sabi diyan find the measurement."
"Ah, ito na. Nakita ko na. 1-10 ang sasagutan?"
"Oo, 1-10 nga. Ate, narinig ko iyon sabi sa iyo ni Ate Kristine. Iyon sabi niya na the BEST ka sa paningin nila Papa" ang mahinang pahayag ni Kakay sa akin.
"Narinig mo pala iyon. Wag mo na lamang pansinin si Kristine, ganoon talaga iyon. Hindi ka pa ba nasanay?"
"Sanay na, ang kaso lang gusto din niya na lumayo iyon loob ko sa iyo. Tinanong niya ako kanina, hindi daw ba ako naiinis sa iyo gayon ikaw ang laging pinapansin nila Mama lalo na si Papa ikaw ang paborito nila. Iyon ba naman ang sabi niya sa akin. Bukod doon dinagdag niya pa na, inaagaw mo sa amin si Mama't Papa. Iyon atensyon at pagmamahal ay dapat pantay pero hindi ganoon ang nangyayari." ang sabi ni Kakay.
"Ano ang sagot mo sa tanong ni Kristine?"
"Ang sabi ko, walang katotohanan iyon. Nagseselos siya sa iyo Ate, sa eskuwelahan pa lang na pinagaaralan mo selos naselos na siya eh"
"Pabayaan mo na si Kristine, maganda naman ang unibersidad na pinapasukan niya kahit hindi siya nakapasa sa UP hayaan mo na, walang magandang mapapala ang selos"
"Alam mo ba Ate may hinala si Ate Kristine na hindi ka namin  tunay na kapatid. Ang sabi niya tignan ko daw ang iyong mata. Singkit ka samantalang wala naman singkit sa atin pamilya. Ang bulong bulungan din diyan ng mga chismosa sa labas ikaw lang din daw ang iba ang hugis ng mata't ilong. Eh ang sabi naman ni Mama may pagkakahawig tayo sa hubog at korte ng mukha, sabi nga nila ako daw si Little Niña"
"Alam mo Kakay, may mga magkakapatid naman na hindi magkakamukha, iyon hindi pinagbiyak ng bunga ang mukha kaya wag ka na magtaka ah? Paulit-ulit mo na lang sinasabi sa akin iyan" ang sabi ko na may halong inis ang tono ng boses.
"Pero Ate hindi ka ba naiinis kay Ate Kristine? Wala ka bang balak magsumbong?" ang hirit ni Kakay na tila ayaw akong tigilan.
"Wala akong balak gawin iyan tinatanong mo sa akin. Narito ako ngayon sa iyong silid upang gawin iyan takda mo, isa pang hirit mo kay Kristine at hindi ko ito tatapusin" 


Natahimik na lamang si Kakay sa akin tabi. Ayaw ko nang isipin ang mga sinabi sa akin ni Kakay. Totoong singkit ako at sa pamilya nila Mama at Papa ay walang mayroong lahing singkit. Ang sabi sa akin ni Mama, ipinaglihi daw niya ako sa kaibigan niyang singkit ang mata kaya ganito ang aking itsura. Iyon mapait na pakikitungo sa akin ni Kristine ay hindi maganda at hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko, ang huwag na lamang pansinin si Kristine. Mga isa't kalahating oras ko na tapos ang takda ni Kakay, pagkatapos ay dumiretso na ako sa akin silid. Nakahiga at wala na akong naririnig na ingay nang kumakanta sa videoke, mga sigawan na masaya. Tila tapos na ang kasiyahan ng mga empleyado at mga kasamahan ni Papa sa trabaho. Ang pumalit sa kasiyahan na naririnig ko ay ang papalakas na ingay na tinig nang pagtatalo. Boses ng aking mga magulang, marahil ay tungkol sa trabaho nila ang kanilang pinagtatalunan ngunit nang papalapit nang papalapit ang kanilang tinig mula sa akin kwarto narinig ko ang kanilang pagtatalo ng di sinasadya.


"15 taon na tayong kasal. Pinanagutan ko iyan dinadala mo noon magkita tayo. Hanggang ngayon ba naman ay ginagawa mo pa rin iyan kahibangan mo? Gusto mo ba malaman nila ang katotohanan?" ang galit na sabi ni Papa na para bang lasing ang tinig ng boses.
"Wala akong sinabing panagutan mo iyon. Papa, pwede ba ang tagal tagal na noon. Wag na natin balikan ang nakaraan" ang pakiusap ni Mama.
"Anong huwag balikan? Alam mo sa tuwing naaalala ko iyon, nasasaktan ako. Pakiramdam ko nabawasn ang pagkalalaki ko"


Inaantay kong sagutin ni Mama ang mga huling pahayag ni Papa ngunit wala na akong narinig. Ano iyon sinasabi ni Papa na masakit?  At ano iyon pahayag nila na panagutan? Alin ang papanagutan? Mga tanong na hindi na sagot sa kanilang pagtatalo hanggang sa binuksan ni Papa ang aking silid. Nakita niya akong nakaupo sa aking higaan. Namumula ang buong mukha ni Papa at gumegewang gewang ang kanyang tayo at tindig. Parang ilang minuto na lang ay babagsak na siya sa kanyang kinatatayuan. Si Mama na katabi niya ay mukhang nababahala at kahit anong gawing pagpigil ni Mama kay Papa ay nakapagpahayag pa rin si Papa.


"Niña, kilala mo ba si William? Tanong mo sa Mama mo kilala niya iyon. Kahit hindi ka nanggaling sa akin, itinuring kita na para na rin akin. Lahat ng luho, atensyon at pagmamahal ay ibinigay ko sa iyo. Ang sakit isipin na kung sino pang nagbibigay ng karangalan sa akin pamilya siya pang hindi ko kadugo at kaano ano. Napabayaan ko si Kristine at Kakay dala ng mga katangian, abilidad, at mabuting asal mo" ang sumbat na paiyak ni Papa pagkatapos ay bumagsak siya sa sahig at nakatulog na nang mahimbing.


Ngayon ay nasagot na ang aking mga katanungan at mga palaisipan na gumagambala sa akin isipan. Nais ko sanang magtanong ngunit natatakot ako. Natatakot ako sa anuman magiging sagot sa mga itatanong ko. Hindi ako makagalaw sa akin puwesto, isa lang ang kaya ko gawin sa mga oras na iyon, ang pakawalan ang mga luha na gustong kumawala mula sa aking mata. 

Tuesday, July 5, 2011

Our country under President Aquino’s Administration


a.       National Economy
A year ago, Nonynoy took power and promised change. He promised under his government that all Filipino citizens will be the “boss”. According to Philippines Online Chronicles, around 80% of the population remains poor and is barely surviving with P104 or less income per day but according to National Statistical Coordination Board (NSCB) only 30% of the people are poor. I can’t believe that according to Aquino’s government 30% of the people are poor, how can he say that? We’re living near the area where most of the people’s job is to earn money through junk (kalakal); I can see how people were starving to death, how they do different things just to earn money. They don’t have permanent jobs and most of them are informal settlers. Oil, gas, LPG, fare hike (LRT/MRT) and other basic goods such as bread, continuously increase its cost under his administration. Overseas Filipino workers were losing their jobs due to conflict with other countries and not just overseas workers but also those Filipino people living in the Philippines. The number of jobless people remains large. The unemployment rate continuously increases same goes to the basic needs and the country’s poverty. Things have remained the same since the year he took the power and sometimes I think it’s getting worse. What happened to Aquino’s promises? Because of his lack of brilliance and competence, I’ll give PNoy two out of ten.

b.      National Security
The National Security under President Aquino’s government is half a messed.  As of this area I’ll rate President Aquino five out of ten. First, the hostage taking that took place in August last year.  What was wrong with it was the handling of the crisis and what was happened after the hostage taking. The whole world got to see how Filipino policemen were not well-trained.  The media, the government, and the policemen it’s been all a messed. Second, according to PNP, crime rate decreased by 40% last 11 months, which was I think is hard to believe. Whenever I tend to read newspapers, more killings of journalists, unabated child, drug trafficking and other crimes was happening here in Metro Manila. Third, our military don’t have modern weapons to use. Aquino increased the budget for military, but where does it go? He should train our military well enough and our weapons should be more modernized. Last, in terms of overseas defense, Aquino’s administration was building upon defense partnership with the United States and other countries to improve our security and I think it’s good but that’s not enough.

c.       Provisions of Social Services and Infrastructures
Aquino reduced the budget of education and social services, as a student I’m against for what Noynoy did. Most schools don’t have enough rooms, books and buildings. According to Philippines Online Chronicles, the public schools and secondary education sector lacks more than 100,000 classrooms, 150,000 teachers, 13M armchairs and 39M textbooks. The government’s solution to the education crisis is the K+12 program which will add 2 years to our present 10-year basic education that will only add burden to parents and the education sector. I saw my elementary sister’s book and I used to used it when I was in elementary that proves the publication was last 1990’s and proves that we don’t have well-improvised version of textbooks. Most of the youth were still can’t afford to attend classes. Aquino has tolerated tuition hikes and profiteering of private school owners resulting to an increasing number of drop-outs. Under his government, demolition was done in several places affecting huge numbers of poor families. Even though government has housing units for relocation, most relocation places were far from their work and livelihood and have no water and electricity. The government not just reduced the budget in education but also slashed the budget for public hospitals and health services while reducing these important sectors, Aquino increased the budget for military and foreign debts. For this improper distribution of budget and lack of social services I will give PNoy three out of ten.

d.   '   Leadership and Political Stability
It’s been almost a year since President Aquino won the presidency of the Philippines in the country’s first automated elections. So much hope and changed in our country we expect from him.  As of this area, I’ll rate PNoy four out of ten. Aquino promised too much and those revelations about the former administration’s mishandling of funds. What we want is an action from him.  He promised a government that will be no longer insensitive to the needs of the people and Filipino citizen will be his boss. According to the story of BizNews Asia April 11 issue, the survey tells that his net approval rating was decreased by 13% in the last nine months, from 61%of trust rating down to 51%. This shows that those who voted for him are now waking up to the reality that PNoy who has promised so much, may not actually be able to deliver although a year is not good enough to prove, we should see some steps towards the changes he has promised. President Aquino was elected because of his honesty and good intentions. Sad to say, honesty is not enough. It has to go with perception, brilliance and competence. Being honest will be nothing if there’s no hard working, brilliance and an independent decision making. Contrary to what Aquino always said, “if no one is corrupt, no one will be poor” the most progressive countries in the world are the most corrupt countries in earth. What Noynoy said was right, but his no corruption policy will be nothing if he does nothing to reduced and help his countrymen in terms of poverty. President Aquino’s style in leading his country is low. It’s hard to think what exactly he is doing to improve all the things that should need an improvement. He is the president with no issues and scandals attached to his name, but while he is a saint-like president, there aren’t great news stories either. 

Monday, July 4, 2011

Ano ba talaga?


 (sanaysay)
             Ano ba talaga? Ang tanong na laging naglalaro sa akin isipan. Sadyang iba’t iba ang pananaw ng mga tao. Magulo at mahirap initindihin. May mga oras na gusto ko nito, gusto ko niyan at paglumipas na ang ilang oras iba na ang gusto. Ano nga ba talaga?
                Sa tahanan pa lang magulo na. May mga oras na ayaw nila Mama na gabi ako umuwi, iyon tipong 30 minutes late lang ang uwi lalo na kapag inaabot ako ng gabi sa daan. Eh sino ba naman magulang ang gustong gabi umuuwi ang kanilang anak hindi ba? Pero hindi iyon ang punto ko, ang gusto ko ipahiwatig, kapag maaga ako umuuwi ang laging sinasambit sa akin ni Mama ay, “Oh bakit ang aga mo? Nagcutting ka ano?” At kapag ginagabi naman ako ng uwi ang laging dialogue ni Mama, “Bakit ngayon ka lang? Hindi ka man lang nagpaalam sa Papa mo, ano sino ba kasama mo at ginabi ka ng uwi? Nakipagdate ka ano? Sabi ko naman sa iyo pag-aaral muna ang intindihin hindi pagboboypren” Ang dami niya na agad sinabi. Hindi ko pa nga nasasagot ang unang katanungan niya, dinugtungan niya na kaagad ng sunud-sunod na banat. Wala ako nagawa at natahimik na lamang. Less talk, less mistake ika nga nila hindi ba? Uuwi ako ng maaga sesermunan pa din ako lalo na kapag inabot ng gabi. Ano ba talaga?
                Halos lahat ng kabataan nakararanas ng pagbabawal o paghihigpit sa atin ng atin mga magulang, iyon tipong, “Bawal magmura, bawal maglakwatsa, bawal uminom, bawal magbisyo” Ngunit kung bawal at masama, bakit ginagawa nila? Ika nga nila masama gawin ito, masama gawin iyan pero sila mismo nilalabag nila ang sarili nilang mga batas na pinapairal sa kani-kanilang pamilya. Wala ako magawa at napapaisip na lang ng “Ano ba talaga?”
                Sa eskwelahan naman, noon hayskul ako tandang tanda ko noon nagpagawa ang aming guro ng proyekto tungkol sa iba’t ibang klase ng mga ulap, ilagay daw namin sa illustration board, ½ daw ang size. Gumawa na kami ng proyekto at halos lahat ay ½ illustration board ang gamit. Nagalit ang aming guro, at sinabing ¼ ang sinabi niya at bakit daw ½ ang pinapasa namin. Tandang tanda ko pa, ang pagkakasabi niya ng 1/2. Paano magiging ½ ang ¼ eh hindi naman iyon magkatunog? Ano ba talaga titser? Isip kong namamahinga, bwinuyset mo ng mga katanungang hindi maganda na sadya naman ang masasabi mo na lang ay “Ano nga ba talaga?”
                Bukod sa mga magulang, kaibigan pa. May mga magugulong kaibigan. Ang takbo ng kanilang pagiisip ay magulo. Tila may saltik. Iyon tipong sasabihin nila na ayaw na nila, pero tinutuloy pa rin nila. Iyon tipong, “Ayaw ko na kumain” eh ubos niya na nga iyon pagkain niya tapos bigla niya sasabihin na ayaw na niya. Ano ba talaga? Nililinlang niyo ba ako? Iniba na ba ng modernong panahon ang kahulugan ng pahayag na “Ayaw ko na”?
            Pagdating naman sa pag-ibig walang hindi nagiging tanga. Take note, walang HINDI. Eh kung hindi ka naging tanga para sa isang tao, hindi pag-ibig ang tawag doon kung hindi, PRIDE. Iyon mga linyang, “Ano ba ang dapat ko gawin?” At kapag pinayuhan mo na at ilan beses mo na ipamukha sa kanya kung ano ang tama siya pa rin ang masusunod, magsisisi sa huli, at sasabihin, “Ginawa ko lang naman iyon para siya na ang kusang humiwalay sa akin.” Pero deep inside, nasasaktan ng sagad sagaran.
            “Wala na kami. Ayaw ko na makipagbati sa kanya, NEVER, ang kapal ng mukha niya pagkatapos ng lahat lahat ng effort na ginawa ko, ginanyan niya lang ako” iyan, pasong paso na ang tainga ko dahil halos araw-araw iyan linya na iyan ang sinasambit sa akin. Ayaw na daw, ngunit pagkalipas ng ilang araw, makikita ko na lang magkasama na ulit sila, magkukwentuhan animo walang nangyaring away sa pagitan nila. Ano ba talaga?
            “Ikaw ang aking ngayon, bukas at magpakailanman” “You’re my always and forever” “I love you forever” “You’re my one and only” Mga pahayag na masarap pakinggan at madaling paniwalaan lalo na sa mga taong in love talaga. Sa mga magkasintahan na nagsasabihan niyan, pagkalipas ng ilan araw ay hiwalay na rin sila, iiyak si babae at sasabihin sa kanyang kaibigan, “Ang sabi niya sa akin forever, te bakit ganoon? Ang sakit” Ako naman itong si kaibigan na walang magawa kung hindi damayan ka na lamang. Ano ba talaga? Ang forever naging days na lang. Tila nagiba na rin ang konsepto ng forever.
            Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Iba talaga pagtinamaan ka ni Cupido, wala ka ng magagawa, nagmahal ka lang naman at dahil sa pagmamahal na iyan napapatanong ako sa sarili ko “Ano ba talaga?”
            Patunay lang na likas sa atin mga tao ang pabago bago ang desisyon at kung anu-anong nasasabi lalo na kapag hinaluan ng iba’t ibang klase ng emosyon. Kapag galit kung anu-anong nabibitawan mga masasakit na salita, kapag nasaktan at nagmukhang tanga, papairalin si kumpadreng PRIDE. Ganyan ang buhay. Walang perpekto, at tayong lahat na hindi perpekto ay wala ng ibang masasabi kung hindi “Ano ba talaga?”

Wednesday, June 29, 2011

Pangako

(Maikling Kwento)


Nagsimula na ang bakasyon at hayskul na ako sa darating na Hunyo. Ngunit kahit nagsimula na ang bakasyon lagi ko pa rin makikita ang aking matalik na kaibigan na si Aries. Matangkad, maputi at bilog ang kanyang mata walang dudang marami ang nagkakagusto sa kanya. Kababata ko siya at ilang tumbling lang ang tahanan nila mula sa amin. Sakitin ang aking kaibigan, madalas siya lumiban sa amin klase noon pasukan. Pero kahit ganoon, mataas pa rin na grado ang kanyang nakukuha dahil likas nga siyang matalino lalo na sa asignaturang may kinalaman sa numero. Napagpasyahan kong magtungo sa bahay nila Aries at makipaglaro. Naglalakad sa daan nakita ko ang isang kuting na tila walang mapuntahan at hinahanap hanap ang kanyang ina. Binitbit ko ito, at dumiretso na sa bahay nila Aries. 


"Tao po! Aries!" ang mahinahong pagkatok na ginawa ko sa harap ng malamansyon nilang tahanan. Pinagbuksan ako ng kanilang kasambahay at pinadiretso ako sa kanilang hardin. Habang naglalakad patungong hardin, na aninag ko ang isang babae na hindi malayo sa aming edad ang itsura. Maganda siya at ang kanyang pananamit ay hindi ordinaryo. Maputi at waring magkasingantas sila ng buhay ni Aries. Sinalubong ako ng ngiti ni Aries at tinugon ko iyon ng isang pilit na ngiti. 


"Maupo ka diyan Myrna, oh nakita mo pala si Menggay sa daan. Buti na lang, kanina ko pa siya hinahanap eh. Pumuslit na naman yata siya sa gate. Salamat Myrna."
"Walang anuman Aries." ang aking tugon sabay ipinagkatiwala ko sa kamay niya si Menggay. "Buti nga nakita ko siya eh. Kung hindi nako, baka napano na iyan."
"Oo nga eh, salamat talaga. Nga pala Shirley siya si Myrna, siya iyon kinikwento ko sa iyo." 
"Ah ganoon ba? Siya pala iyon." ang sabi ni Shirley sabay titig sa akin mula ulo hanggang paa. Sa mga titig niya sa akin waring hindi niya ako tanggap bilang kaibigan ni Aries. Sa estado pa lang ng aking buhay kung ikukumpara sa kanilang mayayaman ay wala na akong maibabatbat. Ang malalim na titig na ginagawa sa akin ni Shirley ay nagbigay dahilan sa akin upang lisanin ang tahanan nila Aries.


"Aries, mukhang naabala ko kayo, mauna na ako. Nakalimutan ko may gagawin pa pala ako."
"Teka Myrna!!!" ang pakiusap na sigaw ni Aries. Ngunit hindi ko iyon pinansin at dumiretso na ako paalis sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung ano itong nadarama ko pero isa lang ang masisiguro ko sa pagkakataong iyon, gusto ko umiyak. Si Shirley pala ah. Nasa may gate na ako ng kanilang bahay at dadampi na ang kamay ko sa gate upang buksan ng biglang hinala ako paharap ni Aries sa kanya. Hingal na hingal siya, nawala sa isip ko na siya'y may sakit. 


"Bakit bigla bigla ka na lang umalis Myrna? Teka, naseselos ka ba kay Shirley kaya ganyan na lang ang inaasta mo?"
"Ano pinagsasabi mo diyan? May gagawin lang talaga ako, pasensya na Aries" ang depensang sabi ko kay Aries. 
"Kung hindi ka nagseselos, bakit iyan mata mo ay parang gusto ng umiyak? Myrna, gusto mo din ba ako? May pagtingin ka rin ba sa akin?"
"WALA ah! May gagawin lang talaga ako Aries, sige na mauna na ako, ang dami ko pang gagawin." sabay talikod kay Aries. Sa pagtalikod kong iyon bigla niya ulit ako hinila paharap sa kanya at bigla niya dinampi ang labi niya sa aking mga labi. Nagulat ako at wala ako nagawa. Pagkatapos ng pangyayaring iyon bigla ako tumalikod, binuksan ang gate at tumakbo na lang. Narinig ko ang pahayag ni Aries na "Gusto kita Myrna, gustong gusto. Ingat sa paguwi mo!" 


Hindi ako makatulog noong mga nagdaang araw kakaisip sa ginawa niyang iyon. Minsan pa nga napapansin ako ni Mama na ngumingiti mag-isa ng walang dahilan. Hindi ko alam kung bakit ganoon, siguro nga ay kinkilig ako pero kahit ganoon ang nararamdaman ko, dumidistansya na ako kay Aries. Pakiramdam ko kasi nabawasan ang pagkababae ko. Ang dating noon sa akin, easy-to-get. Lagi siya ang laman ng isip ko at para hindi ko siya maisip, itinuon ko ang sarili ko sa mga gawaing bahay. Namalengke si Mama at nasa bukid naman si Papa nagtatanim ng palay. Iyon na ang pagkakataon ko para malampaso ang kahoy namin sahig. Sinimulan ko sa kusina at nang makarating sa salas may natanaw ako na may dumating, pagkatayo ko nakita ko si Aries. 


"Myrna! Bakit hindi ka na pumupunta sa amin? Namimiss na kita" ang sabi ni Aries. Nakita ko ang mga pisngi niya, namumula at waring may tinatago siyang kung ano sa kanyang likuran.
"Busy ako Aries, hindi mo ba nakikita naglilinis ako? Umalis ka muna at suotin mo nga ang tsinelas mo, madudumihan ang paa mo"
"Hindi ko nga sinuot iyon tsinelas ko dahil alam ko naglilinis ka baka magdala lang ng dumi iyon tsinelas ko at hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo okay. Alam ko nagalit ka kasi bigla kita hinalikan. Patawarin mo ako Myrna. Ito tsokolate at rosas, sana tanggapin mo" nahihiyang pahayag sa akin ni Aries. Nakatingin siya sa akin mga mata, waring seryoso sa kanyang mga pahayag.
"Salamat. Kahit naman hindi ka magadala ng rosas at tsokolate tatanggapin ko pa rin naman iyan sorry mo eh." ang sabi ko sabay ibinigay niya sa akin ang tsokolate at rosas.
"Talaga? Pinapatawad mo na ako Myrna? Baka naman napipilitan ka lang."
"Hindi ah, bukal yan sa loob ko. Oo, bati na tayo. Kalimutan mo na iyon"


Napangiti si Aries at bigla niya ako niyakap ng mahigpit. 


"Aries, huwag mo ko yakapin. Madumi ako, hindi pa ako naliligo at amoy pawis pa"
"Wala ako pakialam kahit anong amoy mo, basta mahal kita. Hindi naman masama yakapin ang kasintahan ko hindi ba?"
"Kasintahan? Aries, bata pa tayo."
"Myrna, wala sa edad yan. Eh gusto kita eh. Gusto mo rin naman ako hindi ba?"
"Oo. Gusto kita, kaso alam mo naman na bata pa tayo at may tamang panahon para diyan"
"Myrna, may sasabihin ako sa iyo."
"Oh? Ano? Basta hindi tayo magkasintahan, sana intindihin mo na lang"
"Myrna, bukas na ang alis ko. Pupunta kaming London para doon ako ipagamot. Doon lang may magagaling na doctor at ayaw ko palagpasin ang pgkakataong ito kasama ka." ang malungkot na sabi ni Aries.


Natahimik ako bigla. Nagiisip. Hindi ko maintindihan ang nararadaman ko. Ang mga masasayang araw ko kasama si Aries ay mawawala na. 


"Myrna, wala ka man lang bang sasabihin diyan?" 
"Aries, mayroon naman magagaling na doctor sa Maynila, bakit hindi na lang kayo doon? Masyadong malayo ang London, at least sa Maynila may posibilidad pang makita kita."
"Nanggaling na ako sa Maynila, doon ako nagpapacheck-up, kaso hindi kaya. Kailangan ko ng heart transplant at sabi nila Mama sa London daw may tiyak na donor na ako kaya pupunta kami doon at doon ko na tatapusin ang pag-aaral ko."
"Ganoon ba? Aries naman eh."
"Pasensya na, pasya iyon nila Mama, kung ako lang masusunod ayaw ko rin sana mapalayo. Mauuna na ako Myrna, magiimpake pa ako ng mga gamit. Myrna, pwede mo ba ako antayin aalis na ako bukas at mukhang matatagalan bago makabalik, antayin mo ako Myrna ah? Pangako babalikan kita at pag dumating ang araw na iyon, maaari na siguro tayo maging magkasintahan ng pormal hindi ba?"
"Babalik ka ah? Oo, pangako aantayin kita. Ikaw lang at wala ng iba" 
"Wag kang iiyak ah? Bago kami umalis bukas, dadaan muna ako sa inyo. Antayin mo ako." ang naluluhang sabi ni Aries.
"Ikaw nga itong paiyak na eh. Osige na, umalis ka na. Magiimpake ka pa." ang pilit na ngiting sabi ko.


Magaalas-tres na ng umaga, ngunit hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Iniisip ko pa din si Aries. Bakit kasi sa pagkadami dami ng tao kay Aries pa? Kung kailan naman umamin na siya doon pa siya kailangan umalis. Pero para sa kanya din iyon, para sa ikabubuti ng kanyang kalusugan. Sa mga sinabi ni Aries hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha, makakayanan ko kaya makita ang pagalis niya bukas? Yan ang mga huling salita na sinabi ko sa sarili ko hanggang sa ako'y nakaramdam na ng antok at nakatulog.


"Myrna! Bumangon ka na nga diyan! Alas-dos na ng tanghali!" ang sigaw ni Mama sa akin.
"Ha? Alas-dos na? Sila Aries nakaalis na ba?" ang tanong ko kay Mama, nagmamadali ako bumangon at inaayos ang aking kama.
"Hindi pa anak. Nariyan pa ang kanilang sasakyan, mga ilang minuto na lang din at aalis na."


Tumakbo ako palabas ng aking silid, palabas sa aming tirahan at nakita kong huminto ang sasakyan nila Aries sa harap ng aming tahanan. Lumabas si Aries sa kanilang sasakyan, pormal ang kanyang kasuotan kala mo JS ang pupuntahan. Dala niya si Menggay at ang kanyang mga mata ay mukhang namaga sa kaiiyak.


"Myrna, ibibilin ko sa iyo si Menggay. Alagaan mo siya ah? Painumin mo siya ng gatas, mahilig siya doon. Wag mo siya gugutumin ah?" inabot niya sa akin si Menggay at hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak.
"Aries, magiingat ka ah? Aantayin kita. Pangako!"
"Sabi ko naman sa iyo wag ka umiyak eh. Aalis lang naman kami. Hindi naman ako mawawala ng tuluyan, kaya tahana. Mag-aral ka ng mabuti. Dapat matataas ang mga marka mo ngayon maghahayskul na tayo. Kailangan nasa honor ka ah?"
"Oo, dapat ikaw din ah? Sana maging matagumpay ang operasyon na gagawin sa iyo sa London."
"Magiging matagumpay iyan, magtiwala ka lang. Antayin mo ko bumalik Myrna ah? Osha, kailangan na namin umalis. Mag-iingat ka" ang huling sabi sa akin ni Aries hanggang sa siya ay makasakay na ng kotse. 


Lumipas ang ilan araw, hanggang sa naging buwan na humantong sa ilang taon mula ng umalis si Aries. Simula ng umalis si Aries, si Papa ay sumunod na din sa kanya patungong London upang kumita ng pera bilang isang OFW. Si Menggay ay naiwan sa amin probinsya kay Lola. Ako naman, ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Maynila kasama ang aking ina. Ikaapat na taon ko na sa hayskul, napagusapan namin ni Mama ang tungkol sa kolehiyo at may balak si Papa na sa London ko na lang ipagpatuloy ang aking pag-aaral at kumuha ng kursong medisina pagkagraduate ng hayskul. Natuwa naman ako, dahil bukod sa magsasama na ulit kami ni Papa, may posibilidad na din na makita ko si Aries. Hanggang ngayon inaantay ko pa rin siya bilang pagtupad sa binitawan kong pangako kanya. Marami ang nagtangkang manligaw, at dahil kay Aries lang ako, hindi ko sila pinansin. Hanggang sa isang araw tumunog ang aking cellphone, may nagtext at laking gulat ko na number lang ang lumabas. 


"Hi Myrna, how are you?" 


Hindi ko pinansin ang nagtext. Uso kasi ngayon ang lokohan at mga naghahanap ng textmates tapos liligawan sa text, tapos makikipageyeball. Hindi ako iyon tipong ganoon o kaya maaaring modus operandi lamang ito ng nagtext at hihingan ako ng pangload.  Tumunog ulit ang celllphone ko, at unregistered number ulit. Tumatawag na ang nagtext sa akin. Wala sana ako planong sagutin, pero dahil nakailan miscall na, sinagot ko ang aking cellphone. 


"Hello, sino ito?" mataray na tanong ko.
"Myrna, remember me?" 
"Mukha ba ako manghuhula? Pwede mo naman sabihin ng diretsahan kung sino ka eh"
"Si Aries ito, Myrna, are you okay? Seems like I disturb you" ang tanong ni Aries. Hindi ako makapaniwala, si Aries nga ba talaga ang kausap ko?
"Aries? Ikaw ba talaga iyan? Puwera joke?"
"Ako nga ito Myrna, kamusta na si Menggay? Kakauwi lang namin last week. Pwede ka ba pumunta dito?" may british accent na tanong ni Aries. 
"Osige, uuwi kami ni Mama diyan para bisitahin si Lola. See you na lang Aries."
"Alright, I'll wait for you here ah? Take Care"


Binaba ko na ang cellphone ko at hindi masukat ang nararamdaman kong kaligayahan. Si Aries tumawag at magkikita na kami. Natutuwa na may halong pagkasabik ang nadarama ko. Ibinalita ko ito kay Mama. Masaya rin siya dahil makikita niya na ang kanyang kumare. Inayos na namin ang mga gamit na iuuwi at mga pasalubong kay Lola. Uuwi lang kami upang dumalaw at babalik din agad dito sa Maynila. Habang nasa byahe, hindi ko mapigilan hindi isipin si Aries. Sa sobrang tuwa ako'y napaluha. Gusto ko siya yakapin at sabihin na miss ko na siya. Sa wakas nakarating na kami, nagayos ako ng sarili, naglagay ng unting pulbos sa mukha, sinuklay ko ang mahaba kong buhok at winisikan ko ng pabango ang aking sarili saka ako dumiretso sa bahay nila Aries. Pinindot ko ang doorbell at kaagad naman ako pinagbuksan ng kanilang kasambahay. Nagtungo ako sa kanilang salas at inantay ko si Aries. Pakiramdam ko may nagbago pero hindi ko na lang pinansin ang pakiramdam na iyon. Habang inaantay si Aries sa salas, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa maliit na salamin na dinala ko. Inaayos ko ang sarili ko, iyon tipong ayaw ko maturn-off ang lalaking iniibig ko. Pababa na si Aries sa hagdan at sinalubong ako ng ngiti.


"Myrna! How's our kitten?" ang unang bungad sa akin ni Aries. Tumangkad siya lalo at pumuti. Ang tindig niya ay nagiba. Ang boses niya may british accent na, kung hindi ko kilala si Aries siguro ay mapagkakamalan ko siyang dayuhan. Lalo siyang pumogi. 
"Okay lang si Menggay. Si lola nagaalaga sa kanya and she is not a kitten anymore." ang sabi ko sabay ngiti.
"That's good! Gumanda ka Myrna ah." 
"Salamat! Aries, kamusta ang London at ang operasyon?"
"The operation succeeded. Okay na ako ngayon Myrna wala na ako sakit. Actually kinuha akong model sa London at hindi naman ako nakatanggi kasi magaganda ang opportunity. By the way, I'm going back to London next week." ang pagmamalaki ni Aries sa akin.
"Ano? Babalik ka ng London next week? Bakit? Aries, paano tayo kung babalik ka?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Tayo? Myrna, don't tell me you take those promises seriously?  Inantay mo talaga ako at hindi ka nagkaroon ng kasintahan?" ang natawang pahayag sa akin ni Aries. "Myrna, I'm not the only guy in this world. You're still the same pa rin pala, I'm expecting na mature ka na magisip pero nagkakamali pala ako"


Ang mga pahayag na iyon ang sumampal sa akin. Nawala ang pagkasabik na kaninang nadarama ko. Gusto ko igalaw ang aking mga palad at idampi sa kanyang pisngi, sa sobrang poot ay hindi ko nagalaw ang aking mga kamay at napatitig na lang ako sa salamin na dala ko.