Tuesday, October 2, 2012

EBA

"Isang economic class na room." ang atat na atat kong sabi sa resepsiyonis.
"Sige po Ma'am. Maupo po muna kayo riyan at ito po ang inyong number. Tatawagin ko na lamang po kapag ready na." 

Naupo ako sa isa sa mga upuan na kung saan malayo sa resepsiyonis at sa ma-taong bahagi ng lobby. Inayos ko ang akin "sexy mini dress" na sa maling galaw ko lamang ay makikita na ang bahagi ng katawan ko na hindi nasisilayan ng araw. Bukod sa dress, inayos ko rin ang panloob kong damit, sinadya kong ipakita ang guhit sa akin dibdib. Alam kong meron rin siya nito, na kapag nakikita ko siyang walang damit parang tinitignan ko lang ang sarili ko sa salamin, pero hindi ba mas nakakagana kung lalagyan ko ng unting kurba ang akin katawan?

"Hi Babe! Hindi naman kita pinagantay ng matagal di ba?"

"Hindi. Miss na kita." Sabay upo ko sa kanyang hita at agad kong pinulupot ang braso ko sa kanyang leeg. Bago pa man siya makapagsalita, dinampi ko na ang akin labi sa kanya, hanggang sa gumagalaw na ang labi namin dalawa. Ang akin dila ay sumabak na sa kanya na parang may hinahanap na kung ano at bigla na lamang niyang tinugon ang mga halik ko. Naramdaman ko ang pagikot ng dila niya sa akin bibig, ang mabilis na paghalik at ang pagsakop ng kanyang mga labi sa akin. Natigil lamang hanggang sa maubusan kami ng hininga.

"Halik agad? Namiss ko ito." Ang hinihingal niyang sinabi.

"Alam mo yan --" 

At bago ko pa man matapos ang akin sasabihin ay muli na naman nagdikit ang amin labi. Mabagal at nilalasap ang momento ng bawat isa. Walang pakialam sa ibang kostumer na katulad namin ay nagaabang din sa kanilang numero.

 Naramdaman ko ang kaunting pagtaas ng akin kasuotan na sapat na upang ipasok niya ang kanyang kamay sa akin damit upang hawakan ang pinakapribadong parte ng akin katawan. Habang nag-e-enjoy siya sa akin, nilamas naman ng kanan kamay ko ang dibdib niya. Napaungol, at tinigil ng mapansin wala pa kami sa amin silid.

Naghiwalay sa pagkakadikit at umayos sa amin kinauupuan na parang walang nangyari hanggang sa marinig namin tawagin ang amin numero.

"Room C409 is ready. Ito po ang inyong susi at kung may kailangan pa po kayo, tawagan niyo na lamang po kami."

Habang naglalakad ay pinulupot ko ulit ang braso ko sa kanya at hinalikan ang kanyang leeg. PDA na kung PDA. Para na kong linta sa akin ginagawa. Hindi ko iniisip ang kahihiyan ko sa iilan taong dumadaan. Alam kong nasa tamang lugar kami pero ang ganitong klase ng relasyon ay alam kong bago at pagtitinginan pa rin ng mga mapanghusgang tao.

Dahil sa pagkasabik, bago pumasok sa kwarto na amin tutuluyan, sinandal ko siya sa pinto, binuksan ang unang dalawang butones ng kanyang polo at agad niya kong hinalikan. Hinahaplos ko ang bawat parte ng kanyang katawan habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin leeg. Pababa ng pababa ang akin kamay hanggang sa makapa ko ang pwetan ng kanyang pantalon. Bakit basa? Napatigil ako at tinignan ang likod ng kanyang pantalon. Hindi ko ito inaasahan.

Nilingon niya at tinignan din, saka siya napailing."Babe, sorry. Kailangan ko ng napkin."

No comments:

Post a Comment