(Maikling Kwento)
Nagsimula na ang bakasyon at hayskul na ako sa darating na Hunyo. Ngunit kahit nagsimula na ang bakasyon lagi ko pa rin makikita ang aking matalik na kaibigan na si Aries. Matangkad, maputi at bilog ang kanyang mata walang dudang marami ang nagkakagusto sa kanya. Kababata ko siya at ilang tumbling lang ang tahanan nila mula sa amin. Sakitin ang aking kaibigan, madalas siya lumiban sa amin klase noon pasukan. Pero kahit ganoon, mataas pa rin na grado ang kanyang nakukuha dahil likas nga siyang matalino lalo na sa asignaturang may kinalaman sa numero. Napagpasyahan kong magtungo sa bahay nila Aries at makipaglaro. Naglalakad sa daan nakita ko ang isang kuting na tila walang mapuntahan at hinahanap hanap ang kanyang ina. Binitbit ko ito, at dumiretso na sa bahay nila Aries.
"Tao po! Aries!" ang mahinahong pagkatok na ginawa ko sa harap ng malamansyon nilang tahanan. Pinagbuksan ako ng kanilang kasambahay at pinadiretso ako sa kanilang hardin. Habang naglalakad patungong hardin, na aninag ko ang isang babae na hindi malayo sa aming edad ang itsura. Maganda siya at ang kanyang pananamit ay hindi ordinaryo. Maputi at waring magkasingantas sila ng buhay ni Aries. Sinalubong ako ng ngiti ni Aries at tinugon ko iyon ng isang pilit na ngiti.
"Maupo ka diyan Myrna, oh nakita mo pala si Menggay sa daan. Buti na lang, kanina ko pa siya hinahanap eh. Pumuslit na naman yata siya sa gate. Salamat Myrna."
"Walang anuman Aries." ang aking tugon sabay ipinagkatiwala ko sa kamay niya si Menggay. "Buti nga nakita ko siya eh. Kung hindi nako, baka napano na iyan."
"Oo nga eh, salamat talaga. Nga pala Shirley siya si Myrna, siya iyon kinikwento ko sa iyo."
"Ah ganoon ba? Siya pala iyon." ang sabi ni Shirley sabay titig sa akin mula ulo hanggang paa. Sa mga titig niya sa akin waring hindi niya ako tanggap bilang kaibigan ni Aries. Sa estado pa lang ng aking buhay kung ikukumpara sa kanilang mayayaman ay wala na akong maibabatbat. Ang malalim na titig na ginagawa sa akin ni Shirley ay nagbigay dahilan sa akin upang lisanin ang tahanan nila Aries.
"Aries, mukhang naabala ko kayo, mauna na ako. Nakalimutan ko may gagawin pa pala ako."
"Teka Myrna!!!" ang pakiusap na sigaw ni Aries. Ngunit hindi ko iyon pinansin at dumiretso na ako paalis sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung ano itong nadarama ko pero isa lang ang masisiguro ko sa pagkakataong iyon, gusto ko umiyak. Si Shirley pala ah. Nasa may gate na ako ng kanilang bahay at dadampi na ang kamay ko sa gate upang buksan ng biglang hinala ako paharap ni Aries sa kanya. Hingal na hingal siya, nawala sa isip ko na siya'y may sakit.
"Bakit bigla bigla ka na lang umalis Myrna? Teka, naseselos ka ba kay Shirley kaya ganyan na lang ang inaasta mo?"
"Ano pinagsasabi mo diyan? May gagawin lang talaga ako, pasensya na Aries" ang depensang sabi ko kay Aries.
"Kung hindi ka nagseselos, bakit iyan mata mo ay parang gusto ng umiyak? Myrna, gusto mo din ba ako? May pagtingin ka rin ba sa akin?"
"WALA ah! May gagawin lang talaga ako Aries, sige na mauna na ako, ang dami ko pang gagawin." sabay talikod kay Aries. Sa pagtalikod kong iyon bigla niya ulit ako hinila paharap sa kanya at bigla niya dinampi ang labi niya sa aking mga labi. Nagulat ako at wala ako nagawa. Pagkatapos ng pangyayaring iyon bigla ako tumalikod, binuksan ang gate at tumakbo na lang. Narinig ko ang pahayag ni Aries na "Gusto kita Myrna, gustong gusto. Ingat sa paguwi mo!"
Hindi ako makatulog noong mga nagdaang araw kakaisip sa ginawa niyang iyon. Minsan pa nga napapansin ako ni Mama na ngumingiti mag-isa ng walang dahilan. Hindi ko alam kung bakit ganoon, siguro nga ay kinkilig ako pero kahit ganoon ang nararamdaman ko, dumidistansya na ako kay Aries. Pakiramdam ko kasi nabawasan ang pagkababae ko. Ang dating noon sa akin, easy-to-get. Lagi siya ang laman ng isip ko at para hindi ko siya maisip, itinuon ko ang sarili ko sa mga gawaing bahay. Namalengke si Mama at nasa bukid naman si Papa nagtatanim ng palay. Iyon na ang pagkakataon ko para malampaso ang kahoy namin sahig. Sinimulan ko sa kusina at nang makarating sa salas may natanaw ako na may dumating, pagkatayo ko nakita ko si Aries.
"Myrna! Bakit hindi ka na pumupunta sa amin? Namimiss na kita" ang sabi ni Aries. Nakita ko ang mga pisngi niya, namumula at waring may tinatago siyang kung ano sa kanyang likuran.
"Busy ako Aries, hindi mo ba nakikita naglilinis ako? Umalis ka muna at suotin mo nga ang tsinelas mo, madudumihan ang paa mo"
"Hindi ko nga sinuot iyon tsinelas ko dahil alam ko naglilinis ka baka magdala lang ng dumi iyon tsinelas ko at hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo okay. Alam ko nagalit ka kasi bigla kita hinalikan. Patawarin mo ako Myrna. Ito tsokolate at rosas, sana tanggapin mo" nahihiyang pahayag sa akin ni Aries. Nakatingin siya sa akin mga mata, waring seryoso sa kanyang mga pahayag.
"Salamat. Kahit naman hindi ka magadala ng rosas at tsokolate tatanggapin ko pa rin naman iyan sorry mo eh." ang sabi ko sabay ibinigay niya sa akin ang tsokolate at rosas.
"Talaga? Pinapatawad mo na ako Myrna? Baka naman napipilitan ka lang."
"Hindi ah, bukal yan sa loob ko. Oo, bati na tayo. Kalimutan mo na iyon"
Napangiti si Aries at bigla niya ako niyakap ng mahigpit.
"Aries, huwag mo ko yakapin. Madumi ako, hindi pa ako naliligo at amoy pawis pa"
"Wala ako pakialam kahit anong amoy mo, basta mahal kita. Hindi naman masama yakapin ang kasintahan ko hindi ba?"
"Kasintahan? Aries, bata pa tayo."
"Myrna, wala sa edad yan. Eh gusto kita eh. Gusto mo rin naman ako hindi ba?"
"Oo. Gusto kita, kaso alam mo naman na bata pa tayo at may tamang panahon para diyan"
"Myrna, may sasabihin ako sa iyo."
"Oh? Ano? Basta hindi tayo magkasintahan, sana intindihin mo na lang"
"Myrna, bukas na ang alis ko. Pupunta kaming London para doon ako ipagamot. Doon lang may magagaling na doctor at ayaw ko palagpasin ang pgkakataong ito kasama ka." ang malungkot na sabi ni Aries.
Natahimik ako bigla. Nagiisip. Hindi ko maintindihan ang nararadaman ko. Ang mga masasayang araw ko kasama si Aries ay mawawala na.
"Myrna, wala ka man lang bang sasabihin diyan?"
"Aries, mayroon naman magagaling na doctor sa Maynila, bakit hindi na lang kayo doon? Masyadong malayo ang London, at least sa Maynila may posibilidad pang makita kita."
"Nanggaling na ako sa Maynila, doon ako nagpapacheck-up, kaso hindi kaya. Kailangan ko ng heart transplant at sabi nila Mama sa London daw may tiyak na donor na ako kaya pupunta kami doon at doon ko na tatapusin ang pag-aaral ko."
"Ganoon ba? Aries naman eh."
"Pasensya na, pasya iyon nila Mama, kung ako lang masusunod ayaw ko rin sana mapalayo. Mauuna na ako Myrna, magiimpake pa ako ng mga gamit. Myrna, pwede mo ba ako antayin aalis na ako bukas at mukhang matatagalan bago makabalik, antayin mo ako Myrna ah? Pangako babalikan kita at pag dumating ang araw na iyon, maaari na siguro tayo maging magkasintahan ng pormal hindi ba?"
"Babalik ka ah? Oo, pangako aantayin kita. Ikaw lang at wala ng iba"
"Wag kang iiyak ah? Bago kami umalis bukas, dadaan muna ako sa inyo. Antayin mo ako." ang naluluhang sabi ni Aries.
"Ikaw nga itong paiyak na eh. Osige na, umalis ka na. Magiimpake ka pa." ang pilit na ngiting sabi ko.
Magaalas-tres na ng umaga, ngunit hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Iniisip ko pa din si Aries. Bakit kasi sa pagkadami dami ng tao kay Aries pa? Kung kailan naman umamin na siya doon pa siya kailangan umalis. Pero para sa kanya din iyon, para sa ikabubuti ng kanyang kalusugan. Sa mga sinabi ni Aries hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha, makakayanan ko kaya makita ang pagalis niya bukas? Yan ang mga huling salita na sinabi ko sa sarili ko hanggang sa ako'y nakaramdam na ng antok at nakatulog.
"Myrna! Bumangon ka na nga diyan! Alas-dos na ng tanghali!" ang sigaw ni Mama sa akin.
"Ha? Alas-dos na? Sila Aries nakaalis na ba?" ang tanong ko kay Mama, nagmamadali ako bumangon at inaayos ang aking kama.
"Hindi pa anak. Nariyan pa ang kanilang sasakyan, mga ilang minuto na lang din at aalis na."
Tumakbo ako palabas ng aking silid, palabas sa aming tirahan at nakita kong huminto ang sasakyan nila Aries sa harap ng aming tahanan. Lumabas si Aries sa kanilang sasakyan, pormal ang kanyang kasuotan kala mo JS ang pupuntahan. Dala niya si Menggay at ang kanyang mga mata ay mukhang namaga sa kaiiyak.
"Myrna, ibibilin ko sa iyo si Menggay. Alagaan mo siya ah? Painumin mo siya ng gatas, mahilig siya doon. Wag mo siya gugutumin ah?" inabot niya sa akin si Menggay at hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak.
"Aries, magiingat ka ah? Aantayin kita. Pangako!"
"Sabi ko naman sa iyo wag ka umiyak eh. Aalis lang naman kami. Hindi naman ako mawawala ng tuluyan, kaya tahana. Mag-aral ka ng mabuti. Dapat matataas ang mga marka mo ngayon maghahayskul na tayo. Kailangan nasa honor ka ah?"
"Oo, dapat ikaw din ah? Sana maging matagumpay ang operasyon na gagawin sa iyo sa London."
"Magiging matagumpay iyan, magtiwala ka lang. Antayin mo ko bumalik Myrna ah? Osha, kailangan na namin umalis. Mag-iingat ka" ang huling sabi sa akin ni Aries hanggang sa siya ay makasakay na ng kotse.
Lumipas ang ilan araw, hanggang sa naging buwan na humantong sa ilang taon mula ng umalis si Aries. Simula ng umalis si Aries, si Papa ay sumunod na din sa kanya patungong London upang kumita ng pera bilang isang OFW. Si Menggay ay naiwan sa amin probinsya kay Lola. Ako naman, ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Maynila kasama ang aking ina. Ikaapat na taon ko na sa hayskul, napagusapan namin ni Mama ang tungkol sa kolehiyo at may balak si Papa na sa London ko na lang ipagpatuloy ang aking pag-aaral at kumuha ng kursong medisina pagkagraduate ng hayskul. Natuwa naman ako, dahil bukod sa magsasama na ulit kami ni Papa, may posibilidad na din na makita ko si Aries. Hanggang ngayon inaantay ko pa rin siya bilang pagtupad sa binitawan kong pangako kanya. Marami ang nagtangkang manligaw, at dahil kay Aries lang ako, hindi ko sila pinansin. Hanggang sa isang araw tumunog ang aking cellphone, may nagtext at laking gulat ko na number lang ang lumabas.
"Hi Myrna, how are you?"
Hindi ko pinansin ang nagtext. Uso kasi ngayon ang lokohan at mga naghahanap ng textmates tapos liligawan sa text, tapos makikipageyeball. Hindi ako iyon tipong ganoon o kaya maaaring modus operandi lamang ito ng nagtext at hihingan ako ng pangload. Tumunog ulit ang celllphone ko, at unregistered number ulit. Tumatawag na ang nagtext sa akin. Wala sana ako planong sagutin, pero dahil nakailan miscall na, sinagot ko ang aking cellphone.
"Hello, sino ito?" mataray na tanong ko.
"Myrna, remember me?"
"Mukha ba ako manghuhula? Pwede mo naman sabihin ng diretsahan kung sino ka eh"
"Si Aries ito, Myrna, are you okay? Seems like I disturb you" ang tanong ni Aries. Hindi ako makapaniwala, si Aries nga ba talaga ang kausap ko?
"Aries? Ikaw ba talaga iyan? Puwera joke?"
"Ako nga ito Myrna, kamusta na si Menggay? Kakauwi lang namin last week. Pwede ka ba pumunta dito?" may british accent na tanong ni Aries.
"Osige, uuwi kami ni Mama diyan para bisitahin si Lola. See you na lang Aries."
"Alright, I'll wait for you here ah? Take Care"
Binaba ko na ang cellphone ko at hindi masukat ang nararamdaman kong kaligayahan. Si Aries tumawag at magkikita na kami. Natutuwa na may halong pagkasabik ang nadarama ko. Ibinalita ko ito kay Mama. Masaya rin siya dahil makikita niya na ang kanyang kumare. Inayos na namin ang mga gamit na iuuwi at mga pasalubong kay Lola. Uuwi lang kami upang dumalaw at babalik din agad dito sa Maynila. Habang nasa byahe, hindi ko mapigilan hindi isipin si Aries. Sa sobrang tuwa ako'y napaluha. Gusto ko siya yakapin at sabihin na miss ko na siya. Sa wakas nakarating na kami, nagayos ako ng sarili, naglagay ng unting pulbos sa mukha, sinuklay ko ang mahaba kong buhok at winisikan ko ng pabango ang aking sarili saka ako dumiretso sa bahay nila Aries. Pinindot ko ang doorbell at kaagad naman ako pinagbuksan ng kanilang kasambahay. Nagtungo ako sa kanilang salas at inantay ko si Aries. Pakiramdam ko may nagbago pero hindi ko na lang pinansin ang pakiramdam na iyon. Habang inaantay si Aries sa salas, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa maliit na salamin na dinala ko. Inaayos ko ang sarili ko, iyon tipong ayaw ko maturn-off ang lalaking iniibig ko. Pababa na si Aries sa hagdan at sinalubong ako ng ngiti.
"Myrna! How's our kitten?" ang unang bungad sa akin ni Aries. Tumangkad siya lalo at pumuti. Ang tindig niya ay nagiba. Ang boses niya may british accent na, kung hindi ko kilala si Aries siguro ay mapagkakamalan ko siyang dayuhan. Lalo siyang pumogi.
"Okay lang si Menggay. Si lola nagaalaga sa kanya and she is not a kitten anymore." ang sabi ko sabay ngiti.
"That's good! Gumanda ka Myrna ah."
"Salamat! Aries, kamusta ang London at ang operasyon?"
"The operation succeeded. Okay na ako ngayon Myrna wala na ako sakit. Actually kinuha akong model sa London at hindi naman ako nakatanggi kasi magaganda ang opportunity. By the way, I'm going back to London next week." ang pagmamalaki ni Aries sa akin.
"Ano? Babalik ka ng London next week? Bakit? Aries, paano tayo kung babalik ka?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Tayo? Myrna, don't tell me you take those promises seriously? Inantay mo talaga ako at hindi ka nagkaroon ng kasintahan?" ang natawang pahayag sa akin ni Aries. "Myrna, I'm not the only guy in this world. You're still the same pa rin pala, I'm expecting na mature ka na magisip pero nagkakamali pala ako"
Ang mga pahayag na iyon ang sumampal sa akin. Nawala ang pagkasabik na kaninang nadarama ko. Gusto ko igalaw ang aking mga palad at idampi sa kanyang pisngi, sa sobrang poot ay hindi ko nagalaw ang aking mga kamay at napatitig na lang ako sa salamin na dala ko.
ang ganda ng ENDING....d'best..kasooo......................................................................................................
ReplyDeleteingat
=)