Alam kong may bago na siya,
Ngunit bakit ako'y umaasa pa?
Ako rin ang may kasalanan
Di ako nagisip at pinakawalan
Sa huli'y pagsisisi ang nakamtan
Ngayon mayroon ng pumalit sa akin sa puso niya
Tigilan na, ang kahibangang nadarama
Walang gamot sa katangahan kung hindi pagkukusa
Tonta ang tawag sa kahibangang naipakita
Na sa akin na nga, pinakawalan pa.
Yan tuloy ako'y nagdurusa
Sa desisyong aking nagawa
Sunday, March 27, 2011
Mahal pa din kita
Ilan beses ko man sabihin na ayoko na,
Ilan beses man ako sumuko
Ilan beses ko man itanggi
Ilan beses ko man hindi ipakita
Kahit ilan beses pa
Ikaw pa rin talaga
Sadyang mahal nga ba talaga kita?
O dala lang ito ng kalungkutang nadarama?
Ilan tao man ang dumating sa buhay ko
Wala ako magagawa, ikaw pa rin ang tinitibok ng pusong ito
Tanga na kung tawagin
Tao lang ako nagmamahal din
Bago ako dito
Ika-27 ng Marso taong kasalukuyan, gumawa ako ng blogspot na may pamagat na "Walang Patutunguhan" Bakit nga ba walang patutunguhan? Nag-iisip ako ng pamagat, dahil sa wala akong maisip at base sa mga nararanasan ko ngayon, walang patutunguhan ang nabuo.
Hindi ako bihasa at makata sa wikang kinagisnan, pero sinusubukan ko itong matutunan. Nasa wikang Filipino man, o Ingles ang blog na ito ay base na rin sa trip ko. Walang basagan, pahina ko ito kaya respetuhin mo.
Hindi ako bihasa at makata sa wikang kinagisnan, pero sinusubukan ko itong matutunan. Nasa wikang Filipino man, o Ingles ang blog na ito ay base na rin sa trip ko. Walang basagan, pahina ko ito kaya respetuhin mo.
Subscribe to:
Posts (Atom)