Ano nga ba ang kasarian? Ito ba iyon tanong sa mga dokyumentasyon tulad ng bio-data na kapag M o male ay lalake at F o Female naman ay babae? Ngunit paano naman ang mga taong hindi tanggap ang kanilang kasarian at kanila itong pinalitan, ang ilalagay ba nila ay unknown o kaya naman ay lalagtawan na lamang ang tanong?
Sa panahon noon, pangatlong kasarian ay hindi kinikilala at itinatakwil ng madla. Hindi lang takwil ang kaparusahan, maaaring hatulan pa ng kamatayan at bansagang "Salot ng Lipunan". Kakaunti lamang ang lumalantad at umaamin na kasarian ay hindi tanggap marahil takot sa lipunang ginagalawan.
Sa kasalukuyang panahon, mas maraming lalaking may pusong babae at babaing may pusong lalaking lumalantad, marahil tanggap at patuloy na tinatanggap ng nakararami ang ikatlong kasarian. Ang pagpapakasal sa kaparehong kasarian ay legal sa ilan bansa at estado ng Amerika bagamat sa Pilipinas bawal ang pagpapakasal ng kapwa lalake sa lalake at babae sa babae, marami naman nagsasama o naglilive-in na ang kasarian ay magkaparehas.
Pisikal na anyo niya'y lalake ngunit itinuturing niya ang sarili na babae samantalang pisikal na anyo niya'y babae ngunit itinuturing ang sarili na lalake. Ito'y tinatawag na transekswal. Hindi man nila tanggap ang kanilang kasarian, pisikal nilang anyo noong sila ay ipinanganak ang nasusunod pagdating sa mga dokyumentasyong nangangailangan ng sagot sa tanong na kasarian.
Kasarian nila'y hindi pa man lubos na tanggap sa lipunang ginagalawan, sila naman ay nagbibigay karangalan sa bayan. Salot man ang tingin noon, sila ay ipinagmamalaki na ngayon.
No comments:
Post a Comment