Sunday, April 3, 2011

Kaawa naman

Hindi ko man lang nabibigyan pansin ang aking blogger. Kung sa bagay, eh wala din naman pumapansin ng aking mga basura sa pahinang ito eh, para saan pa upang ipagpatuloy ito? Kung may nararamdaman kang panghihinayang, o akalain mong idedeactivate ko ang account na ito, puwes nagkakamali ka. Ipagpapatuloy ko pa din ang kahibangang ito. Hindi nga lang madalas hindi tulad ng atensyon na ibinibigay ko sa tumblr at facebook o iba man social networking website na iyan.

Nasa kaanyuang promalidad na ba ang wikang na gagamit ko? Gusto ko lang naman mahasa ang galing ko sa wikang kinagisnan ko kaya naisipan kong gawin at ipagpatuloy ang pahinang ito, ngunit hindi ibig sabihin noon na hindi ako gagamit ng wikang banyaga sa pahinang ito, nais ko din maging pantay ang kaalaman ko sa parehas na wika, Ingles man o Filipino.

1 comment:

  1. gusto ko ang mga kwento mo. hehe,
    hindi mawawalan ng kabuluhan ang lahat, sabi nga habang nagbibigay ito sayo ng kasiyahan bakit mo pipigilan? sulat lang nang sulat! ang ganda kaya! ^_^

    ReplyDelete